Friday, October 31, 2008
"Happy HaLLoweEn!!!" =p
Ang nakakatawa lang naman pag malapit na ang Halloween, eh yung mga palabas sa TV... nagkalat yung mga news na keso may sinasapian daw... eh ngayon lang naman lumalabas ang mga ganyang balita pag malapit na November 1 eh... wala pa yata ako nabalitaan na ganyan during summer nyahahaha...
Isa pang nakakatawa, last week napanood ko yung episode ng Mel & Joey, syempre yung topic nga was about ghosts and spirits... wala lang, O.A. ng mga re-enactments =p... Meron din segment about dun sa namatay na UP student because of Hazing... Ang eksena nila ay meron psychic na expert sa paranormal blah blah... nasasapian daw siya nung UP student!!!! imagine?? tapos yung family members began asking questions dun sa paranormal expert which is nasasapian ng anak nila... the funny thing?? nasagot ng expert yung mga tanong, naghabilin pa!... pumunta daw sila sa mga places kung saan mahilig mamasyal yung family nila... eh kung ganon, bakit hindi nila tinanong kung sino yung mga totoong may kasalanan... mga taong responsible for his death! di ba?? eh di malalaman talaga sino may kasalanan... tsk
O cya, baka kala nyo serious ako dito sa post na ito... may mapost lang... ahahahah...
HAppY HalloWEen PeOple!!!!!! =p
Friday, October 24, 2008
"Sa MRT"
Uwian na... Kakatapos lang ng programa sa Radio Station, almost 8 o'clock na in the evening, she went out of the station earlier than me.
Outside, the rain noxiously drop itself, as if it wouldn't stop. I decided to catch a train ride, wala kasi akong payong, I'll get wet pag nag-Bus ako. While waiting for the train, I found myself thinking, asking, when will it end?? Im not talking about the rain... but the way things are happening... Kailangan ko na bang sumuko?... Do I have to make another move? Kausapin ko kaya? what if I do so?, will she treat me good, like before? or perpetuate a cold shoulder??
Suddenly the rain stopped, the train Im waiting arrived, but I failed to get on it, ang weird, di ako nakagalaw para pumasok. Iniwan ako ng train, pagkalagpas, nagulat ako sa nakita ko, there she was on the other side of the train station, walking... I dont know if she noticed me on the other side, I was pleased to see her. Bigla nalang dumating yung MRT sa kabila at pag-alis wala na rin siya. Right then and there, I realized it could never be, pagkakataon na mismo nagpakita sakin ng reality, totally opposites, baliktad na ang mundo.. iba ang biyahe ng train niya, nakakatawa, pero sana kung may chance pa, maging maayos na ang lahat, parang dati...
AT dahil diyan... Soapdish "maestro"!
>>>>
Monday, October 20, 2008
"THE BITTER, THE BETTER... ehem"
"Wala nag mas sasarap pa sa papaitan na sobrang pait"... yan ang narinig ko nang minsan kumain ako sa carinderia sa Guadalupe. Sa bawat higop ng sabaw ng katabi ko, sabay sa saliw ng awiting "Remember Me " ni Renz Verano, bigla ako napaisip, pwede kaya i-apply ang ganitong concept sa tunay na buhay??
Bilang tao, isa tayong indibidwal, meron kanya-kanyang pananaw, iba't ibang pagkatao. Ang gusto ng isa ay maaring taliwas sa ikasasaya ng iba. Sabi nga nila, kailangan mo lang matutong sumunod sa alon...makibagay, makisama... pero how long??
Let's admit it, we cant deny that each one of us has their own share of bitterness... pede sa isang bagay, and of course to someone... Pero ang tanong binigyan ba natin sila ng chance para malaman kung bakit sila ganun?? If yes, naging sapat ba ito para masabing may karapatan tayo manghusga? "Lahat tayo ay hindi perpekto, lahat tayo ay may shortcomings kung tawagin... minsan hindi mo alam na nasa iyo pala ang problema... I heard sa isang guest speaker namin as isang class that you have to be sensible enough, ilagay mo ang iyong sarili sa taong kinaiinisan mo or sa taong kakaiba para sayo, para maintindihan mo ang sitwasyon niya, but not to the extent na niloloko mo na sarili mo at nagiging tupperware ka na... plastik... Dont judge others sabi rin ni direk...
We have to learn how to condone others. Of course, forgiveness, it takes time and sometimes long years of waiting, wag naman sana lifetime... When all things were said and done, tayo rin naman ang sasalo ng kung anuman ang kapalit. There's always a room for reconciliation... I believe that.
Its better not to be bitter, but for others being bitter is the maxim of their heart, it makes them feel disenthral... FREE... unchained from some frantic reasons, I dont know... Letting go of our odd mistakes and having a positive oulook for a fresh start is always helpful.
Umorder ako ng PAPAITAN pagkaalis ng katabi ko, napansin ko hindi naman pala papaitan yung inorder niya, iba itsura eh... PULUBE yan!... =p
Friday, October 17, 2008
"SAMANTALA"
SAMANTALA
Bakit parang walang dahilan
Bigla na lang ang buhos ng ulan
Ng kapayapaan, kasiyahan
Ngunit bakit ako kinakabahan?
Nakita ko na ang magaganap
Hinding hindi ako bibitaw sa aking yakap
Nang magpakailanman ay
Hindi na maulit ang isang masamang panaginip
Isang gabing umiiyak, bigla nalang ika'y
Binawi sa akin
Sandal ka lang sabay ngiti
At sa kahit anung sandali
Paalam na, mahal kita
Pasensya na di mo nakita
Tinatawag ka na
Kailangan nang magpaalam sinta
Pero teka hintay
Ako nalang kaya ang sasakay
Condolence sa Family ni Sir Ting...
Maraming salamat din for being nice to us...
GOD BLESS!!!
Thursday, October 2, 2008
WALA KA SA BIRTHDAY PARTY
Nothing compares to the joy Im feeling everytime I perform on stage. Sa totoo lang ako na yata ang pinakamahiyain na tao pede mong makilala. I cant help but smile whenever I remember a friend once told me ...
" Tanggalin mo ang hiya sa katawan mo... anu 'to birthday party? mahiya ka kung
nasa birthday party ka!"
...(Salamat Sultan JUN!) nyahahaha.. nga naman, madalas tayo nahihiya sa bday party db?? Since then, everytime im feelin' shy, iniisip ko wala ako sa birthday party... =p
Im comfortable naman being on stage, actually mas kinakabahan pa nga ako mag-recite sa school... (naalala ko tuloy ung debate... wala talaga ako sa sarili nun... ang saya ng kinalabasan... pulube talaga ) . There's one problem lang talaga tuwing may gig, lagi kasi pagkatapos ng set namin, there's always this tremendous (wow english! tnx jo! whahah) stomach pain, twice na siya nangyayari, the last 2 gigs namin... sakit sobra!
Teka anu ba talaga gusto ko ishare sa blog entry na to?? Ah alam ko na, share ko nalng isang experience ko sa isang tugtog namin. We went to a bar called "El Dorado" sa may ParaƱaque yun.. the place is so small and yung mga gamit talo talaga,(talo means "pangit")...
We were the 10th band to perform, grabe ang dami sasalang, di ko na matandaaan anu oras kami nakatuntong sa stage... ehehe.. One thing Ive noticed halos lahat ng nagperform puro "EMO" ang genre, wala manlang reggae, jazz or alternative. I almost thought of backing-out kasi nga baka makareceive kami ng BOOs and kantyaw... walang fan-based kumbaga aheheheh...
Yoko naman biguin yun mga kasama ko, kaya sige sugod lang, bahala na.. BTW kami pala yung type ng banda na hindi nagprapractice... tamang tugtugan lang.. =p Malapit na nga kamo magpalit ng band name.. nasa kongreso na pagbobotohan nalang... "NOTICE PRAC" (no practice).. tama nga ambaduy nga!
Ayan kami na sasampa sa entablado, still, I have this hesitation... pero ok game ako, bahala na kahit batuhin pa hahaha... I started the song with a single strum, and everyone was so quiet "PARE KO, MERON AKONG PROBLEMA... WAG MO SABIHING NANAMAN"... not until the chorus! "OH, DIYOS KO, ANU BA NAMAN ITO? DI BA" hindi ko napigilan banggitin ung "T" word! kasi yun talaga yung highlight nung kanta... Pagbigkas ko nun "T" word, I heard a surprising response from the crowd... "wohowh" wow meh audience impact ang mga loko... =p then they started to sing along... I was quite surprised with the reaction, kasi naman puro "EMO" and iba ung era when it comes to music ngayon, sad to say ang hina ng OPM ngayon.. and yet alam nila yung song, sumasabay pa... Iba talaga music ng Eheads, timeless. Its a dream come true for me to sing an EHEADS song sa isang gig....
Sana marami pang tugtog, tunog at kanta tayong pagsaluhan =]
"This was written months before the Eraserheads Reunion Concert... so wala
pa ako comment tungkol sa mga happenings.. get well soon ELY"