It was a very lousy afternoon... nasa school ako nun with my friends, we had nowhere to go, just to kill the time, nagpasya kami na pumunta nalang sa DIVISORIA. Ewan ko ba kung bakit naisip nila Taline na pumunta doon. Anyway its just a jeepney ride from UE Recto and at that time i was asking them on where can i buy a turtle... for a moment, I wanted to have a turtle for a pet.. funny me nyahahh.. (maybe because of the korean movie "...Ing") ....
I remember one time Joana told me that theres a petshop at 168 Mall Divisoria where I can possibly buy one(turtle). So pumunta na kami. Marianne and Joana went home early... Lennon didn't came to school that day, so only four of us experienced the "Divi spirit", Me, Justine, and the two lovebirds Taline and Luap. It was my first time in "DIVI" and I was surprised of the volume of the people walking on the streets, nakakagulat din ang mga prices ng mga goods sa paligid... mas mura pa sa mura =P. We went inside the TuTuban Center, nothing special for me, inside, you can see a series of stalls selling bags and clothings... pero kila Justine and Taline kitang-kita ang ningning sa kanilang mga mata! naisip ko tuloy.. "mukhang sila lang nag-eenjoy ah?" haha... ang mga babae talaga basta damit and bags, iba ang mood...=} We tried to contact Lennon, gusto sana namin siya pasunurin sa "Divi" kasi malapit yata house nila dun kaso busy yung phone nila lagi.
Anyways, lumabas na kami and we decided to go to 168 Mall kasi nga sabi ni Joana meron petshop doon... while walking, napansin ko na its impossible to find a petshop there kasi puro clothes (ukay-ukay stuffs ba) and food lang ang makikita mo sa tabi-tabi. We were inside the 168 Mall, first time ko rin dun, mukha naman siyang mall talaga compared to the Tutuban, airconditioned siya kaya nga lang marami din tao. Wala parin humpay ang ningning sa mga mata ng maga kasama naming babae, kada stall gusto pasukin hindi naman bibili (joke) nyahahah... Sa pagod siguro nagutom sila, kaya naghanap kami ng makakainan... We ended up sa may FoodCourt... at aba sosyal ang "fudkort" nila, may mga flat screen! haha... hala order yung dalawang lovebirds sa "Jollibee" , si Justine naman hindi yata gutom nun kaya di siya kumain, well parehas kami di naman ako gutom pero uhaw naman ako, kaya bumili nalang ako ng C2.
Sa pagbili ko ng C2, napansin ko ang isang mahiwagang chichiria na may label na "TAHONG CHIPS" d' Original.... Curious naman ako kung ano lasa ng chips na iyon... lasa kayang potato chips? or banana chips? paborito ko kaya banana chips! baka kasi matalo niya ang lasa ng banana chips ko... So binili ko siya, nagulat ako (teka kanina pa ako nagugulat ah) kasi sa liit ng packaging ang mahal pala niya! Iniisip ko nalang na sa price ng 30 pesos matitikman ko na siya. I went back sa table namin... kumakain na sila Luap ng "Jollibee"... paglapit ko sa kanila I told them na "Look what I found"... "anu yan?" Taline asked... ang sagot ko naman.."TAHONG CHIPS" binili ko dun"... everyone looked at each other and smiled then tumawa ng mahina... until now hindi ko parin ma-gets kung bakit natatawa sila pag nababanggit ang "TAHONG CHIPS" ... nakakatawa ba talaga? I dont know kung bastos ba or whatever... One thing is for sure, everytime na naalala ko yun, napapangiti ako... ewan ko lang ha, subukan niyo sabihin ang "TAHONG CHIPS" matatawa kayo ng walang dahilan... nyahahah... =P PeaceOut
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment