Friday, December 24, 2010

"Fruitcake"


The moment I heard Jose Mari Chan's voice over the radio sometime early this month, alam ko na na magpapasko na talaga... Naalala ko tuloy yung isang kwento...
It was one night, she asked a favor to accompany her sa trinoma para bumili ng exchange gifts niya para sa friends niya, meron daw kasi yung group nila na katuwaan, exhange gift nga. Ang usapan, 7/11 morayta, malapit sa St. francis,.As usual late na naman ako, hindi na nagbago, matinding paliwanagan ang nangyari, hanggang sa pagsakay ng jeep. Umpisa palang ng araw sablay na! Pagdating ng SM north nagbago ang mood.. hehe ayus na ulit.. we went to every shop to find this kind of earring.. wala, nagpunta kami ng trinoma..wala... nagutom lang kami. Sabi ko, why not something na hindi makakalimutan ng nabunot mo. ayun panty. haha. Pauwi na kami at hindi lang pala yun ang pakay niya dun.. dumaan kami sa isang bakeshop at bumili ng cake. Pinili niya yung malaking cake at ginto ang price. sabi ko, bakit yan? ang yaman mo naman. tatlo lang naman kayo sa group nyo na kakain. sabi nya, ok lang yan para special. pero sumunod parin siya sa mas napili kong simple lang at di kalakihan ang size. Nasa fx na kami pabalik ng school, ingat na ingat akong hindi matabig ng malaking babaeng katabi ko.. nakatingin ako sa kasama ko at napapatawa siya, hindi ko naman alam kung bakit. masama bang alagaan yun cake? pangit na kaya pag sabog-sabog na yun. naghiwalay kami sa sakayan ng jeep, pupunta na daw siya sa bahay ng friend nya dun kasi mangyayari ung mini party nila, nakalimutan ko na nasaakin pa pala yung cake, good thing di pa umaalis yung jeepney, naihabol ko pa sa kanya.. sabi ko "muntik nang maiwan sakin, sayang kakainin ko yan, kita nalang tayo mamaya sa school" tumawa lang siya. tumuloy na ako sa eskwela. Kinagabihan, christmas party na yun, at dahil magkaiba kami ng section, sa taas sila ngpaparty. habang nagpaparty kami ng section namin sa baba, tapos may nagsabi na may naghahanap daw sakin sa labas. Paglabas ko mga taga ibang section, binulungan ako, pag tingin ko sa hagdan nandun cya, hawak ang cake na binili namin. napangiti ako, di ko alam kung anong nararamdaman ko. pinuntahan ko at binigay niya sakin yung cake, bigla siyang tumakbo sa room, nahiya haha.. akalain mu para sakin pala yun? gusto nya pala ako bigyan ng cake!nagpasama pa sakin. kaya pala sinadya niya maiwan sakin yun nung nasa jeep na siya. natuwa naman ako. kinabukasan, hinatid ko na siya sa province nila. At yon ang isa sa mga masasayang Christmas season ng buhay ko...

No comments:

Post a Comment