Thursday, October 2, 2008

WALA KA SA BIRTHDAY PARTY


Nothing compares to the joy Im feeling everytime I perform on stage. Sa totoo lang ako na yata ang pinakamahiyain na tao pede mong makilala. I cant help but smile whenever I remember a friend once told me ...



" Tanggalin mo ang hiya sa katawan mo... anu 'to birthday party? mahiya ka kung
nasa birthday party ka!"



...(Salamat Sultan JUN!) nyahahaha.. nga naman, madalas tayo nahihiya sa bday party db?? Since then, everytime im feelin' shy, iniisip ko wala ako sa birthday party... =p

Im comfortable naman being on stage, actually mas kinakabahan pa nga ako mag-recite sa school... (naalala ko tuloy ung debate... wala talaga ako sa sarili nun... ang saya ng kinalabasan... pulube talaga ) . There's one problem lang talaga tuwing may gig, lagi kasi pagkatapos ng set namin, there's always this tremendous (wow english! tnx jo! whahah) stomach pain, twice na siya nangyayari, the last 2 gigs namin... sakit sobra!


Teka anu ba talaga gusto ko ishare sa blog entry na to?? Ah alam ko na, share ko nalng isang experience ko sa isang tugtog namin. We went to a bar called "El Dorado" sa may ParaƱaque yun.. the place is so small and yung mga gamit talo talaga,(talo means "pangit")...
We were the 10th band to perform, grabe ang dami sasalang, di ko na matandaaan anu oras kami nakatuntong sa stage... ehehe.. One thing Ive noticed halos lahat ng nagperform puro "EMO" ang genre, wala manlang reggae, jazz or alternative. I almost thought of backing-out kasi nga baka makareceive kami ng BOOs and kantyaw... walang fan-based kumbaga aheheheh...

Yoko naman biguin yun mga kasama ko, kaya sige sugod lang, bahala na.. BTW kami pala yung type ng banda na hindi nagprapractice... tamang tugtugan lang.. =p Malapit na nga kamo magpalit ng band name.. nasa kongreso na pagbobotohan nalang... "NOTICE PRAC" (no practice).. tama nga ambaduy nga!

Ayan kami na sasampa sa entablado, still, I have this hesitation... pero ok game ako, bahala na kahit batuhin pa hahaha... I started the song with a single strum, and everyone was so quiet "PARE KO, MERON AKONG PROBLEMA... WAG MO SABIHING NANAMAN"... not until the chorus! "OH, DIYOS KO, ANU BA NAMAN ITO? DI BA" hindi ko napigilan banggitin ung "T" word! kasi yun talaga yung highlight nung kanta... Pagbigkas ko nun "T" word, I heard a surprising response from the crowd... "wohowh" wow meh audience impact ang mga loko... =p then they started to sing along... I was quite surprised with the reaction, kasi naman puro "EMO" and iba ung era when it comes to music ngayon, sad to say ang hina ng OPM ngayon.. and yet alam nila yung song, sumasabay pa... Iba talaga music ng Eheads, timeless. Its a dream come true for me to sing an EHEADS song sa isang gig....


Sana marami pang tugtog, tunog at kanta tayong pagsaluhan =]




"This was written months before the Eraserheads Reunion Concert... so wala
pa ako comment tungkol sa mga happenings.. get well soon ELY"

No comments:

Post a Comment